Nagsimula ang VILLARICA sa Quiapo, Maynila noong 1954 nang binuksan ito ni Gng. Paz R. Villarica, isang alahera mula Bulacan. Bilang isang sanglaan, unti-unting nakilala ang VILLARICA sa mga pamilyang Pilipino dahil sa mahusay nitong serbisyo. Kaya naman sa tulong ng anak niyang si Atty. Henry R. Villarica, nagtuloy-tuloy ang pamamayagpag nito nang pitong dekada. Lumago ang VILLARICA, at dumami rin ang serbisyo at branches nito mula Luzon hanggang Mindanao. Maaasahan kami di lang sa sanglaan, pati na rin sa international bank transfers, foreign exchange, bills payment, at iba pa.
Our Mission
Layon ng VILLARICA na anihin ang tiwala ng pamilyang Pilipino, at sa pamamagitan ng mataas na appraisal at mababang interes, umagapay sa kanilang iba’t ibang pangangailangang pinansyal tungo sa mas maginhawang kalidad ng buhay.
Our Vision
Hangad ng VILLARICA na maging takbuhang sanglaan ng pamilyang Pilipino saanman sa bansa, mapalago ang iba’t ibang serbisyong pinansyal tulad ng remittance, money changer, at bills payment, at makapag-ambag sa pagtataguyod ng mas maunlad at masaganang Pilipinas.