Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), o University of the City of Manila sa Ingles, ay isang pampublikong pamantasan na pinatatakbo ng Pamahalaang lungsod ng Maynila. Ito ang pinakauna at pinakamalaking pamantasan na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas. Bukod dito, ito rin ang pinakaunang libreng paaralang pang-kolehiyo sa bansa at siya ring kauna-unahang pamantasan na gumamit ng opisyal na pangalan sa Wikang Filipino sa buong daigdig.